every heartbeat counts
Gabi na kasi

Sa bawat titik ng mga salitang aking binigkas,

ay mga kahulugang aking nais maiparamdam. 

Sa tinig na siyang nagduduyan sa aking damdamin,

nais kong maiparating ang nararamdaman.

Sa lamig ng gabi at simoy ng hangin,

kumakaway ang mga labing nangangarap na ika’y mahagkan,

mga bisig na nais kang mayakap ng lubusan.

Sa pagtatapos ng musikang umaawit ng aking puso,

at sa paglaya ng pag-ibig na matagal ng nakagapos,

ay ang pagpaparaya na rin ng malumanay sa minsa’y nadurog sa pagkakasawi.